Wednesday, February 8, 2012

What music are you listening to today?

RNB

anime and horror stuff.

If you had to change your hair color, what color would you choose?

chrome

anime and horror stuff.

What kind of music can you just not stand to listen to?

none

anime and horror stuff.

Are you more like mom or dad? Why?

mom. idk.

anime and horror stuff.

Do you prefer habit or new experiences?

new experience

anime and horror stuff.

Check out the funniest time wasters of 2011! What's your favorite way to kill time?

sleep

anime and horror stuff.

What are your plans this vacation?

none

anime and horror stuff.

Check out these 6 Action-Figure Fails! What's the worst toy you've ever had?

barbie

anime and horror stuff.

Check out these pictures! Is Rihanna smoking what it looks like she's smoking?

i think its just a leaf

anime and horror stuff.

Check out Rachel Bilson's first rap video! What would your rap/DJ name be?

dj meme

anime and horror stuff.

Enjoy this trailer for the "Rugrats" live-action movie! What's your favorite cartoon of all time?

kero kero keroppi

anime and horror stuff.

Check out these dogs that have no idea what they're doing! What's your favorite animal?

dogs.

anime and horror stuff.

Check out these 13 Unintentionally Sexual Books! What's the funniest book you've ever read?

that.

anime and horror stuff.

Check out The 21 People at Every Super Bowl Party! What are your plans for the game?

none.

anime and horror stuff.

Check out this Application to be a Singing Show Contestant! Would you sing on TV?

no.

anime and horror stuff.

What animal do you think is scary?

crocodiles

anime and horror stuff.

Thursday, February 2, 2012

Corona, Corona: Bakit ka Kinawawa?


            Impeachment. Renato Corona. SALN. Ilan lamang iyan sa mga salita na lagi mong mapanonood sa telebisyon, mapakikinggan sa radyo, maririnig sa mga usapan, at mababasa sa diyaryo. Marahil ay mayroon kang sariling opinyon o saloobin ukol dito ngunit kung ako ang tatanungin, wala talaga akong pakialam sa kasong ito. Kahit ano naman ang sabihin ko ay hindi nito mababago ang mga pangyayari dahil hindi naman ako senador na may kapangyarihang idiin o ipaglaban ang aking opinyon sa korte.
Ngunit kung ako ay boboto kung dapat ba talagang ma-impeach si Corona, hindi ako magdadalawang-isip na sabihing hindi dapat ma-impeach si Renato Corona sapagkat walang sapat na ebidensiya laban sa kanya at para bang nilalapastangan at inaalipusta ang demokrasya ng Pilipinas dahil sa paglilitis sa kanya.
Sadyang napakabilis ng mga pangyayari kung ito ay iyong susuriin ng mabuti. Parang sa isang kisap-mata ay bigla na lamang umalingawngaw ang kasong ito laban kay Corona na ating kinikilala bilang Punong Mahistrado, ang pinakamataas na posisyong maaaring makuha ng isang mambabatas sa ating lipunan. Wala man lang tao na nabigyan ng pagkakataon na mabasa ang halos animnapung pahinang reklamo o habla laban sa kanya na para bang nagpapahiwatig na ang pamahalaang Aquino ay masyadong nagmamadali sa pag-usad ng kaso ng impeachment  laban sa Punong Mahistrado.
Walo ang inihaing paratang laban kay Corona at kaagad na mapapansin na dalawang uri lamang ang bintang na  nilalaman nito: ang mga reklamong tumutukoy sa kanyang mga personal na kilos at ang mga opisyal na pagkilos o hatol ng Korte Suprema. Isa sa mga ito ay ang hindi raw pagsusumite ng kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Networth) na mariing itinanggi ng Punong Mahistrado sapagkat, ayon sa kanya, ay taun-taon niya itong isinusumite nang walang palya. Ayon pa kay Atty. Christian Monsod, isang dating chairman ng Commission on Elections at miyembro ng 1986 Constitutional Commission na gumawa ng burador ng Konstitusyon ng 1987, ang pagsusumite ng SALN at pagsisiwalat nito sa publiko ay dalawang magkaibang bagay na pumapabor kay Corona.
Pangalawa, siya raw ay isang midnight appointee ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sapagkat siya ay inatasang maging Punong Mahistrado dalawang araw matapos ang eleksiyon noong 2010 at isang buwan bago matapos ang termino ng dating pangulo na hindi raw dapat tinanggap ni Corona. Ngunit ayon sa mga pag-aaral ng mga miyembro ng depensa, ang pagkakahirang kay Corona ay sumailalim sa isang masusing proseso na naaayon sa ating Saligang Batas. Kabilang dito ang proseso ng Judicial and Bar Council na pinangungunahan noon ng dating Punong Mahistrado Reynato Puno at ito rin ay matagal nang napagpasyahan ng Korte Suprema kaya kung may reklamo man ang ibang mambabatas sa hatol ng Korte Suprema, sana ay dati pa nila ito ipinaglaban.
Ang mga natitirang paratang ay ukol naman sa mga hatol na naisagawa at iba pang patakaran ng Korte Suprema. Ang reklamong ito ay nasasakop ang mga maling pasya ng Korte Suprema sa ilang mga kaso tulad ng paglikha sa isla ng Dinagat at hindi pagbibigay ng pahintulot upang gawing siyudad ang labing-anim na munisipalidad dahil sa kabiguang matugunan ang mga legal na kinakailangan sa kita ng mga siyudad ayon sa Local Government Code.
Alalahanin natin na ayon sa Saligang Batas, ang Korte Suprema ay binubuo ng labing-apat na katulong mahistrado at isang punong mahistrado. Ang bawat isa ay may tig-iisang boto lamang at ito ay pantay-pantay kaya ang bisa ng pananaw o opinyon ni Corona ay kapantay lamang ang bisa at puwersa ng sinumang mahistrado. Kaya ang bawat pasya na inihahatol ng Korte Suprema ay base sa opinyon ng bawat isa sa kanila at kahit na kadalasan ay kasama niya ang mayorya sa botohan, hindi naman nito sinasabing kakampi niya ang mga ito. Ito ang patunay na walang nangyayaring diktatorya sa Korte Suprema.
Sa ginagawang paglilitis kay Corona, sa tingin ko ay naaapektuhan ang ating bansa. Para sa akin, nawawala na ang tiwala ng taumbayan sa Korte Suprema dahil nakikita nilang maging ang Punong Mahistrado ay inaakusahan ng mga maling paratang. Hindi na dapat isinusugo ang Korte Suprema sa mga panghahabla na mapagsamantala dahil ito mismo ang nakikipaglaban para sa demokrasya ng bansa.
Huwag na nating husgahan pa ang ating Punong Mahistrado. Oo, marahil ay may mga desisyon o mga hatol siyang naisagawa na mali sa paningin ng iba, subalit hindi naman nito ipinahihiwatig na may anomalya nang nangyayari sa ating hukuman. Bigyang respeto natin ang mga pasya ng ating hukom at kung siya ay magkamali man, huwag nating ibunton sa kanya lahat ng ating galit dahil hindi lang naman siya ang may karapatan na magbigay ng hatol sa mga nasasakdal o sa mga kung anu-anong kaso. Huwag nating kawawain ang ating mga tagapaghukom.
Sana ay matapos ninyong marinig ang aking argumento ay naliwanagan kayo kahit kakaunti at nawa ay mabago nito ang inyong pananaw ukol sa nagaganap na paglilitis sa ating Punong Mahistrado.